bc

The CEO's Substitute Wife [R18+]

book_age18+
37.5K
FOLLOW
446.0K
READ
billionaire
revenge
love-triangle
contract marriage
goodgirl
CEO
drama
bxg
heavy
office/work place
like
intro-logo
Blurb

SUPER RATED SPG. READ AT YOUR OWN RISK. 18+

(BOOK 1 and BOOK 2)

Jewel Magsaysay is a child psychologist.

James Belejardo is the President of Axon Corporation.

Dalawang magkaibang tao ang pinagtagpo ng tadhana na kailaman ay hindi nila akalaing magkakaroon sila ng koneksyon sa isa’t-isa. Hindi akalain ni Jewel na sa isang iglap ay magiging asawa niya ang perpekto at gusto ng buong siyudad na si James sa hindi inaasahang pagkakataon, at ang mas ikinagimbal pa nito ay magiging Mommy na siya ng anak ng lalaki na si Xyron.

Paano magkakasundo ang dalawa kung pareho silang may mga sekretong hindi nila puwedeng sabihin sa isa’t-isa? Hanggang saan ang kaya nilang ipaglaban kapag ang isa sa kanila ay napapa-ibig na?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Ma! Aalis na po ako." Late na ako nakagising ngayon kaya dali-dali na rin akong nag-ayos para pumasok na sa trabaho. I still have my pending patient kaya hindi puwedeng ma-late talaga ako sa trabaho. Nakita ko naman si Mama na lumabas galing sa kusina kaya napangiti na ako at lumapit na rin sa kaniya. "Ma, sabi ko, aalis na ho ako." "Akala ko kanina ka pa nakaalis, Jewel. Nagpuyat ka na naman kagabi, ano? Sinasabi ko sa 'yo, h'wag ka masyadong ma-attach sa mga patient mo at papatigilin talaga kita sa trabaho." Napasimangot naman ako kay Mama. "Ma, you know I love this job so much. I love children, kaya don't worry, nag-iingat naman ako palagi kaya wala kang dapat ipag-alala sa akin." "Basta Jewel, hindi ako nagbibiro." "Okay, Ma. Sige na po, nagpaalam na rin ako kay Papa and h'wag n'yo nalang din pong pansinin si Ate Jen at sasakit lang ang ulo ninyo." "Baon mo." Nagulat naman ako nang may ibinigay siyang bento box sa akin kaya agad akong napangiti. "Ano 'to, Ma? May kasalanan po ba kayo at naisipan n'yong bigyan ako ng bento box for lunch?" "Hindi, syempre ilang araw nalang ay doon ka na titira sa apartment na kinuha n'yo ni Tiffany. Hindi na kita maaalagaan tuwing magtatrabaho ka." "Ma..." "Sige na, umalis ka na at baka maiyak ka pa at hindi na makapasok sa trabaho." "Love you, Ma!" Nagbeso na ako kay Mama at agad na ring lumabas ng bahay. Nagbantay na rin ako ng taxi papunta sa Wade Medical Center kung saan ako nagtatrabaho. It's been a year since naging licensed child psychologist ako at sa loob ng isang taon na 'yon ay hindi ko pa naranasaing i-transfer sa ibang branch ng hospital. Inaayos na rin namin ni Tiff ang mga gamit namin para mag move-out sa bagong apartment malapit lang sa main branch ng Wade Medical Hospital. We got promoted into junior psychologists kaya doon na kami magtatrabaho starting next week and ang hindi ko lang matanggap sa promotion na 'yon ay makakasama ko ang ex-boyfriend kong si Andrei at ang bagong girlfriend niyang head ng department sa main branch. "Bestie!" Napalingon naman ako nang marinig ko ang malakas na boses ni Tiffany sa likuran ko habang naglalakad ako papasok sa hospital. "Ang aga, nanggugulat ka na naman." "I'm sorry, Bestie. I'm just happy knowing that we could finally move-out to the city!" "Seryoso ka?" "Syempre, Bestie! We'll get to live away from this town and we'll have our own apartment soon! And, about your ex-boyfriend, you have nothing to worry about, ako na ang bahala sa kaniya." Napa-iling nalang ako sa mga sinasabi ngayon sa akin ni Tiffany. "Let's not talk about that muna. I have a patient waiting for me." Naglakad na kami papasok sa hospital para tumungo sa office naming dalawa. The Medical Hospital is composed of three floors at nasa second floor naman ang office naming mga child psychologists. This building is a lot smaller compared to the main hospital kaya naman kahit papaano ay excited na rin akong umalis dito. "Is that the case of Mrs. Salve's son? The one with impulsive disorder?" I nodded at her. "Yup. Based on his treatments and medication, he's suffering from an impulsive disorder due to his father's lack of physical and emotional support." "That is bad." "Totally bad." Nang makarating kami sa office ay mabuti namam dahil hindi pa nakakadating sina Mrs. Salve at ang anak niyang si Kenth. They've been my consistent clients for almost two weeks now at apat na beses na siguro silang pumunta sa clinic and today will be the fifth time and we're having a medication. "Saan ka pupunta?" tanong ko naman sa kaniya namg mapansin kong palabas siya ng office naming dalawa. "I'll go get some milk since I haven't had my breakfast kanina." "Okay." Tiffany already went outside the office kaya ako naman ay kinuha na ang records ni Kenth to track his everyday condition and I've also seen some changes kaya naman nagpapasalamat din ako. "Doc Jewel?" Napatigil naman ako at napatingin sa pintuan. Mrs. Salve and Kenth are here. Tumayo na ako at lumapit sa kanila. "Good morning!" "Good morning, Doc Jewel," sambit naman ni Kenth kaya napangiti ako sa kaniya. "How are you doing, Kenth?" Umupo na si Mrs. Salve sa client's chair at si Kenth naman ay pina-upo ko na sa couch para kausapin. He's been quite these past few sessions kaya naman I'm always trying my best to cheer him up a little. "Kenth, your Mommy said that you have something for me today. Can I see it?" Mrs. Salve sent me a message kasi kagabi na for the past two days, Kenth is spending his time in drawing random things and I can say that this could be helpful for his slow recovery. May kinuha na siyang malaking sketch pad galing sa kaniyang maliit na backpack at ibinigay na ito sa akin. “Ito po, Doc Jewel.” Nakita ko naman ang mga gawa niya at agad akong napangiti. Gumawa siya ng iba’t-ibang drawing na kasama ang parents niya pero ang ipinagtataka ko lang ay palaging magkalayo sa kanila ang daddy niya. “Kenth, baby, why is Daddy far from the you and Mommy?” I asked patiently. Napatigil naman ito at napatingin sa akin. “Daddy doesn’t care about me…and Mommy.” Napatigil naman na ako at napatingin kay Mrs. Salve na parang iiyak na ngayon. Ang alam ko lang kasi ay nagkakaganito ni Kenth dahil nga busy na rin sa trabaho ‘tong si Mrs. Salve, pero hindi nila nabanggit these past sessions na pati rin pala ang daddy niya. “Okay, let me check your statistics for today…” I started examining him physically. It’s also important kasi para malaman ko ang nangyayari sa katawan ng bata at hindi lang sa mental and emotional health niya. All aspects should be addressed in all the therapy sessions. Tumayo na rin ako at lumapit kay Mrs. Salve to talk to her. “Ma’am, you didn’t mention about your husband for the past sessions, maybe this could be the reason why Kenth is acting like that.” “Wala na akong pakealam sa lalaking ‘yon. Siya ang sumira sa pamilya namin, pero gusto niya pa ring kunin ang anak ko hanggang ngayon. Hindi ako papayag!” “Ma’am, kumalma po kayo. Kenth can definitely hear and see you kaya if you really want him to be okay, please don’t do this again…” Nagulat naman ako nang bigla akong tinarayan ni Mrs. Salve at agad nang tumayo. “H’wag na! I’ll get the best child psychologist for my son. Too bad dito pa ako napunta sa’yo! Let’s go!” Lumabas na silang dalawa ng anak niya kaya napatunganga nalang ako rito sa loob ng clinic. “Ano’ng nangyari, Bestie?” “Mrs. Salve thrown some tantrums. I think she’s the one who needs some therapy at hindi ang anak niya.” Napahawak nalang ako sa noo ko at napa-upo na sa upuan. Ito ang unang beses na nagkaroon ako ng ganitong client and for sure ay hindi na rin sila babalik pa sa akin. “It’s okay, Bestie. You did your best as a therapist kaya hindi mo na rin kasalanan ‘yon kapag gusto na nilang magpalit ng therapist. Here!” Napatingin naman ako kay Tiffany nang may iniabot siya sa akin. “Para sa ‘kin?” “Yup. I know you love strawberry drinks so much kaya ikinuha na rin kita.” “Aah! Thank you, Bestie! Kahit papaano ay medyo gumaan din ang loob ko.” Natapos ang araw namin ni Tiffany na mag-guide ng ilang mga patients sa clinic. Sinusulit ko nalang din ang oras ko rito dahil sa susunod na araw ay sa main branch na kami ng Wade Hospital magtatrabaho. “Deritso uwi ka na ba ngayon, Bestie?” Napatingin naman ako kay Tiffany habang nag-aayos ng mga gamit ko. “Oo, eh. Kailangan ko pang mag-ayos ng mga gamit natin at baka busy na naman tayo this weekend. Alam mo naman despededa for them team.” “Ay oo nga pala, korek! Balak ko sanang mag samgyupsal tayo ro’n malapit sa simbahan eh, pero I think it would be better if we pack our things first before that.” Hindi ko alam kung inaasar ba ako ni Tiffany o ano ngayon. I’ve been craving for some samgyupsal din kasi for the past weeks dahil nga ako’y broken sa ex-boyfriend kong iniwan ako at ipagpalit sa anak ng director ng may-ari ng hospital na ‘to. “Alam mo, tara na, kumain na tayo!” sambit ko pa sa kaniya at tumayo na para uminat. Napansin ko naman na bukas pa rin ang TV ngayon sa likuran niya kaya napataas na naman ang kilay ko. Sa sobrang hina kasi ng volume ay palaging nakakalimutan ni Tiffany na patayin ang TV. “Bestie, baka hindi mo na naman mapatay…” Napatigil naman ako nang makita kung sino ang nasa balita ngayon. It’s my ex-boyfriend. Andrei, the jerk. “Oh my gosh! I forgot to tell you na ngayon na pala ang awarding ceremony for your ex-boyfriend, Bestie.” Napataas naman ang kilay ko. “Awarding ceremony? Anong award naman? Cheater of the year?” “Ano ka ba! It’s not like that. Tanda mo ‘yung research about child with special needs development niya last month? Nanalo ‘yon at bibigyan yata siya ng award ng President ng Axon Corporation.” “Ano?”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

His Obsession

read
73.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook